Sa panahon ngayon,ang kumita ng pera ay
talaga namang pahirapan.Handa ang bawat isa sa mga mahihirap na gawain.Yung
pupunta ka sa ibang bansa na hindi mo maintindihan yung mga tao dahil sa iba
talaga ang kanilang mga pag-uugali at lenggwahe.Sumasang ayon ako na ang mga
OFW ay isang mga "tunay na mga bagong bayani ng bayan".Kanilang
isinakripisyo ang kanilang pagod at pawis para lamang matustusan ang mga
pangangailangan ng kanilang pamilya.
Huwebes, Marso 12, 2015
Mga Mahahalagang Hakbangin
Bumuo ng hakbanging dapat sundi ng mga
mamimili kung sakaling magkaroon ng pansamantalang kakulangan sa suplay ng mga
basic commodity tulad ng bigas,at asukal,lalo na kung may kalamidad.
*Magtago tayo ng mga pagkain upang hindi
tayo mabigla sa pagkakaroon ng kalamidad.Mga pagkaing hindi madaling masira
tulad ng delata o noodles.
*Siguraduhing magkakasya sa buong pamilya
ang mga pagkaing itatago upang hindi ito magkulang.
*Magtago din ng mga gamot upang kapag may
sakit sa miyembro ng pamilya ay maagapan itong agad.
*Ugaliin din ang pagtago ng flashlight at
battery para sa radio upang di mahirapan kapag walang ilaw at magkaroon ng
mapakikinggan ng mga balita.
*Huwag
mawalan ng pag-asa.
FALLEN 44
Ang
nakasaad sa ibaba nito ay mula sa isang police commando na nakaligtas sa
Mamasapano,Maguindanao massacre,kung saan 44 na PNP-SAF commando ang
namatay,matapos tambangan ng MILF (Moro Islamic Liberation Front) at BIFF
(Bangsamoro Islamic Freedom Fighters) nitong Enero 25 2015.
"Nagsimula po ang putukan ng mga
5:30 ng umaga.Mabilis ang pangyayari ... biglaan.Kita ko agad na marami sa amin
ang patay na.Yung mga tumatakbong nakayuko,napapatay dahil may mga
sniper.Nagsimula akong gumapang.Isa sa mga huling nakita ko ay ang isa kong
kasamahan na nakatingin sa litrato ng pamilya niya sa cellphone habang
tinatamaan ng bala.
Umabot sa punto na wala na kaming bala
at ang natitira na lang ay ang Glock ko at rosaryo.Gumagapang ako palayo upang
umiwas sa snipers.Isa pa sa mga kasamahan ko ay nagsabing bilisan mo lumayo at
ako bahala.Tumayo siya at dinivert ang atensyon ng mga sniper.Dalawang beses
siyang tinamaan,tumumba pero tumayo pa din.Nung pangatlong tama,di na siya
tumayo.
Dalawa lang ang nasa isip ko,pag nakita
kong andyan na sila sa harap ko,babarilin ko sarili ko,dahil alam ko ang
ginagawa nila sa mga bihag.Pero 'pag nakatakas ako dito,uunahin kong puntahan
ang mga pamilya ng mga kasama ko,lalo na yung nakatingin sa litrato sa
cellphone.Ikukwento ko lahat ng nangyari."
Ang sinapit ng mga nabanggit na
commando,ang iba'y hindi na makilala ang mukha,ang iba'y naputol ang mga
braso,kamay at paa at ang ilan ay nahati ang katawan,dahil sa tama ng malakas
na kalibre ng baril ay napakasakit,hindi lang sa asawa,mga anak at magulang ng
mga biktima,subalit sa sinumang nagmamahal sa bayan.
Kailangan nila at ng kanilang pamilya ng
hustisya.Kailangang may managot sa marahas at malahayop na kamatayan na sinapit
nila.Hustisya para sa PNP-SAF 44.Ito ang panawagan ng kanilang pamilya.Ito ang
panawagan ng buong kapulisan sa bansa,partikular na sa SAF na pinanggalingan
nila.Ito ang panawagan ng sambayanang pilipino.
Maslow of McClelland
Maraming mga pangangailangan
ang bawat isa sa atin.Si Abraham Harold Maslow ay isang amerikanong
psychologist na nagpanukala ng herarkiya ng mga pangangailangan ng tao.Ayon sa
kanya,habang patuloy na napupunan ng tao ang kanyang batayang
pangangailangan,siya ay naghahanap naman ng mas mataas na pangangailangan ayon
sa pagkakasunod-sunod sa isang herarkiya.Inilalarawan naman ni David Clarence
McClelland,sa kanyang aklat na “The Achieving
Society (1961)” ang mga
pangangailangan ng tao na natatamo sa matagl na panahon at hinuhubog ng mga
karanasan.
Ang pangunahing
pangangailangan ng mga tao ay tubig,pagkain,damit at bahay.Minsan higit pa rito
ang inaasam natin kung kaya’t kaakibat nito ay lumalaki ang mga
pinagkakagastusan ng mga tao.
Nahahati sa
dalawa ang pangangailangan:Ang needs ay ang pangunahing pangangailangan,mga
bagay na kailangan araw-araw.Ang wants ay pangangailangan o kagustuhan,taliwas
sabasic needs kagaya ng mga gadgets.Mga gamit na nagbibigaylamang ng kasiyahan.
Maslow of McClelland
Maraming mga pangangailangan
ang bawat isa sa atin.Si Abraham Harold Maslow ay isang amerikanong
psychologist na nagpanukala ng herarkiya ng mga pangangailangan ng tao.Ayon sa
kanya,habang patuloy na napupunan ng tao ang kanyang batayang
pangangailangan,siya ay naghahanap naman ng mas mataas na pangangailangan ayon
sa pagkakasunod-sunod sa isang herarkiya.Inilalarawan naman ni David Clarence
McClelland,sa kanyang aklat na “The Achieving
Society (1961)” ang mga
pangangailangan ng tao na natatamo sa matagl na panahon at hinuhubog ng mga
karanasan.
Ang pangunahing
pangangailangan ng mga tao ay tubig,pagkain,damit at bahay.Minsan higit pa rito
ang inaasam natin kung kaya’t kaakibat nito ay lumalaki ang mga
pinagkakagastusan ng mga tao.
Nahahati sa
dalawa ang pangangailangan:Ang needs ay ang pangunahing pangangailangan,mga
bagay na kailangan araw-araw.Ang wants ay pangangailangan o kagustuhan,taliwas
sabasic needs kagaya ng mga gadgets.Mga gamit na nagbibigaylamang ng kasiyahan.
INTERNATIONAL DAY FOR DISASTER REDUCTION
Hindi na
mabilang na kalamidad ang nagaganap sa ating bansa ngayon.Marami na rin ang
nagbuwis ng buhay dahil ditto.Ang problema ay hindi natin ito maiiwasan
sapagkat ang kalikasan na mismo ang gumagawa nito.Malaki ang epekto nito sa
ating bansa dahil sa kalikasan tayo
kumukuha ng mga bagay na magagamit natin sa pagpapaunlad ng ating bansa.Kilala
ang pilipinas dahil sa angkin nitong ganda sa mga mapagkukunang yaman,ang
problema nga lang ay unti-unti itong nasisira dahil sa atin at minsan ay dahil
sa mga kalamidad na nangyayari sa ating bansa.Hindi uunlad ng maayos ang bansa
kung hindi tayo tatayo mula sa mga kalamidad na naganap sa bansa.
Maaring
maiwasan ang dalang panganib ng kalamidad kung pag-iisipang maigi ang mga bagay
na dapat paghandaan bago dumating ang isang malaking sakuna.Dapat na palagi
tayong maging handa upang hindi tayo magkaproblema kapag dumating na ang isang
kalamidad.
Bilang
mag-aaral,sisikapin kong maipamahagi pa sa iba ang konti kong kaalamansa
paghahanda sa anumang klaseng kalamidad.Iintindihin ko rin ang totoong dahilan
kung bakit ginagawa sa paaralan ang Earthquake Drill upang ipamahagi din ito sa
iba na dapat maghanda.Mabuting maging palaging handa sa mga mangyayari.
EID'L ADHA
Ang Eid ul-Adha
“Pagdiriwang ng Sakripisyo” o “Mas Malaking Eid” ay isang kapistahang
ipinagdiriwang ng mga Muslim sa buong mundo upang alalahanin ang pagpapaunlaj
ni Ibrahim na isakripisyo ang kanyang anak na lalaking si Ismael bilang isang
Gawain ng pagsunod sa Diyos.Ito ang pangalawa at panghuli sa dalawang mga
kapistahang Eid na ipinagdiriwang ng mga Muslim,na ibinatay mula sa
Kuran.Katulad ng Eid al-Fitr,sinimulan ang Eid al-Adha sa pamamagitan ng isang
maikling panalangin sinusundan ng isang sermon.
Taunang
pumapatak ang Eid al-Adha tuwing pang 10 araw ng buwan ng Dhul Hijja ng
maka-buwang kalendaryong islamiko.Nagtatagal ng tatlong mga araw ang
pagdiriwang o higit pa,depende sa bansa.Nagaganap ang Eid al-Adha sa araw na
pagkaraan ng pagbaba ng mga peregrino o pilgrimong nagsasagawa ng Hajj mula sa
Bundok ng Arafat.Nangyayari ang Eid al-Adha bandang 70 mga araw pagkalipas ng
katapusan ng buwan ng Ramadan.
Kakapusan (Tula)
Sa aking pag-iisip,pati pagmamasid
Libo—libong tanoong,utak ko’y sinisisid
Ano nang nangyari sa aking bansang mahal?
Punong matitibay,ngayo’y nakabuwal
Dumadaming tao,umabot na ng bilyon
Nagkukulang!Ito ang kanilang tugon
Ating kalikasan,unti-unting nasisira
Dahila’y maling paggamit,makikita sa aking tula
O punong maatayog,kamusta iyong tayo?
Alam kong nangangamba,isip mo’y kay layo
Anong iniisip?Mawala ka sa pwesto?
Iyon nalang hilingin,pag wala ka’y may dumayo
Kagubatan,kamusta ka na?
Hangin mo ba’y sariwa pa?
Alam kong nalulungkot ka,ngunit wag mangamba
Kahit kay gulo na,may pag-asa pa
Kulang ang likas na yaman para sa atin
Pagdami ng populasyon,wag na sanang hilingin
Pagsira sa ating kalikasan,sana’y iwasan na
Para kinabukasan,langit ay ngumiti na
Miyerkules, Marso 11, 2015
EID AL-FITR
Ang Eid al-Fitr ay nangangahulugang "Pista ng Pagtatapos ng Ayuno".Ginaganap ito sa unang araw ng sumunod na buwan ang Shawwal.Kadalasang pumapatak ang Eid pagkatapos ng ika-29 o ika-30 araw ng pag-aayuno.
Nagsusuot ang mga muslim ng mga bago at magagandang damit.Nagbibigay ng pagkain sa mahihirap at nagdadasal sa umaga.Sinusundan ito ng pagsasalu-salo at pagdalaw sa mga kamag-anak at kaibigan.Sa pilipinas ay makikita ang malaking pagrespeto ng mga pilipinong muslim at hindi muslim sa bawat isa.Hindi man muslim ang lahat ng mga tao dito sa pilipinas ay nagdedeklara parin sila ng walang pasok sa lahat ng paaralan sa buong bansa.Makikita dito ang malaking pagrespeto ng bawat isa kahit magka-iba man ng mga pinaniniwalaan.
Bagyong Glenda
Inintay
ng lahat ang balita tungkol sa bagyong paparating sa bansa.Lunes ng gabi ay
natuwa ang lahat ng estudyante sapagkat halos lahat ng lugar sa Luzon ay walang
klase kinabukasan.Sumapit ang martes ngunit hindi masyadong naranasan ng bawat
isa ang bagsik ng Bagyong Glenda.Maingay ang lahat ng mga bata sa harap ng
aming bahay noong martes na iyon dahil sa wala ngang pasok at wala pang
ulan.Noong sumapit ang miyerkules ng umaga ay naramdaman ko ang isa sa
pinakamalakas na bagyong naranasan ko.Umpisa pa lamang ng araw na iyon ay
nawalan na agad ng kuryente sa aming lugar.Habang nananalasa ang bagyo ay
tahimik akong nagmamasid sa terrace ng aming bahay at pinagmasdan ang patuloy
na pagbuwal ng mga puno at ang pagliliparan ng mga bubong sa labas dahil sa
lakas ng hangin na dala ng bagyong Glenda.Nang matapos ang pananalasa ng bagyo
ay tumambad sa lahat ang nagkalat na mga dahon mula sa mga punong nakaharang
narin sa daan.Ang bahay malapit sa amin ay nawalan nan g bubong sa itaas.Hindi
na nag-antay pa ng matagal ang bawat isa sapagkat nagkalat na ang mga dahon
kaya’t isa-isa na kaming nagwalis.Hanggang sumapit ang lunes ay wala paring
kuryente sa amin kaya’t maraming nahirapang gumalaw o pumasok sa kani-kanilang
mga trabaho at eskuwelahan.
ARAW NG TAGAYTAY
Bawat taon ay
may isang araw na talaga namang ipinagdiriwang ng Tagaytay.Sa bawat kabataan ay
bilang lamang ang mga nakakaintindi ng ibig sabihin kung bakit ipinagdiriwang
ang June 21 bilang Araw ng Tagaytay.Hindi pansin ng bawat estudyante kung ano
ba ang mayroon sa araw na ito.
Ano nga ba ang
nangyari noong June 21, 1938?Sa aking pag-unawa,ang nangyari noong June 21,1938
ay idiniklara ni Manuel L. Quezon ang araw na ito bilang Araw ng Tagaytay at
doon na nagsimulang maging isang tunay na siyudad ang lugar na ito.Nilagdaan
din ito ng pangulo na holiday sa mismong lugar lang ng tagaytay upang bigyan
ito ng halaga.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)