Huwebes, Marso 12, 2015

EID'L ADHA

       Ang Eid ul-Adha “Pagdiriwang ng Sakripisyo” o “Mas Malaking Eid” ay isang kapistahang ipinagdiriwang ng mga Muslim sa buong mundo upang alalahanin ang pagpapaunlaj ni Ibrahim na isakripisyo ang kanyang anak na lalaking si Ismael bilang isang Gawain ng pagsunod sa Diyos.Ito ang pangalawa at panghuli sa dalawang mga kapistahang Eid na ipinagdiriwang ng mga Muslim,na ibinatay mula sa Kuran.Katulad ng Eid al-Fitr,sinimulan ang Eid al-Adha sa pamamagitan ng isang maikling panalangin sinusundan ng isang sermon.

       Taunang pumapatak ang Eid al-Adha tuwing pang 10 araw ng buwan ng Dhul Hijja ng maka-buwang kalendaryong islamiko.Nagtatagal ng tatlong mga araw ang pagdiriwang o higit pa,depende sa bansa.Nagaganap ang Eid al-Adha sa araw na pagkaraan ng pagbaba ng mga peregrino o pilgrimong nagsasagawa ng Hajj mula sa Bundok ng Arafat.Nangyayari ang Eid al-Adha bandang 70 mga araw pagkalipas ng katapusan ng buwan ng Ramadan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento