Miyerkules, Marso 11, 2015

Bagyong Glenda

       Inintay ng lahat ang balita tungkol sa bagyong paparating sa bansa.Lunes ng gabi ay natuwa ang lahat ng estudyante sapagkat halos lahat ng lugar sa Luzon ay walang klase kinabukasan.Sumapit ang martes ngunit hindi masyadong naranasan ng bawat isa ang bagsik ng Bagyong Glenda.Maingay ang lahat ng mga bata sa harap ng aming bahay noong martes na iyon dahil sa wala ngang pasok at wala pang ulan.Noong sumapit ang miyerkules ng umaga ay naramdaman ko ang isa sa pinakamalakas na bagyong naranasan ko.Umpisa pa lamang ng araw na iyon ay nawalan na agad ng kuryente sa aming lugar.Habang nananalasa ang bagyo ay tahimik akong nagmamasid sa terrace ng aming bahay at pinagmasdan ang patuloy na pagbuwal ng mga puno at ang pagliliparan ng mga bubong sa labas dahil sa lakas ng hangin na dala ng bagyong Glenda.Nang matapos ang pananalasa ng bagyo ay tumambad sa lahat ang nagkalat na mga dahon mula sa mga punong nakaharang narin sa daan.Ang bahay malapit sa amin ay nawalan nan g bubong sa itaas.Hindi na nag-antay pa ng matagal ang bawat isa sapagkat nagkalat na ang mga dahon kaya’t isa-isa na kaming nagwalis.Hanggang sumapit ang lunes ay wala paring kuryente sa amin kaya’t maraming nahirapang gumalaw o pumasok sa kani-kanilang mga trabaho at eskuwelahan. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento