Huwebes, Marso 12, 2015

Kakapusan (Tula)


Sa aking pag-iisip,pati pagmamasid
Libo—libong tanoong,utak ko’y sinisisid
Ano nang nangyari sa aking bansang mahal?
Punong matitibay,ngayo’y nakabuwal

Dumadaming tao,umabot na ng bilyon
Nagkukulang!Ito ang kanilang tugon
Ating kalikasan,unti-unting nasisira
Dahila’y maling paggamit,makikita sa aking tula

O punong maatayog,kamusta iyong tayo?
Alam kong nangangamba,isip mo’y kay layo
Anong iniisip?Mawala ka sa pwesto?
Iyon nalang hilingin,pag wala ka’y  may dumayo

Kagubatan,kamusta ka na?
Hangin mo ba’y sariwa pa?
Alam kong nalulungkot ka,ngunit wag mangamba
Kahit kay gulo na,may pag-asa pa

Kulang ang likas na yaman para sa atin
Pagdami ng populasyon,wag na sanang hilingin
Pagsira sa ating kalikasan,sana’y iwasan na

Para kinabukasan,langit ay ngumiti na

2 komento:

  1. Sana po gawa kayo tula about demand (Microeconomics) Plsss

    TumugonBurahin
  2. Sana gumawa po kayo ng tula tungkol sa konsepto ng ekonomiks...

    TumugonBurahin