Huwebes, Marso 12, 2015

INTERNATIONAL DAY FOR DISASTER REDUCTION

       Hindi na mabilang na kalamidad ang nagaganap sa ating bansa ngayon.Marami na rin ang nagbuwis ng buhay dahil ditto.Ang problema ay hindi natin ito maiiwasan sapagkat ang kalikasan na mismo ang gumagawa nito.Malaki ang epekto nito sa ating bansa  dahil sa kalikasan tayo kumukuha ng mga bagay na magagamit natin sa pagpapaunlad ng ating bansa.Kilala ang pilipinas dahil sa angkin nitong ganda sa mga mapagkukunang yaman,ang problema nga lang ay unti-unti itong nasisira dahil sa atin at minsan ay dahil sa mga kalamidad na nangyayari sa ating bansa.Hindi uunlad ng maayos ang bansa kung hindi tayo tatayo mula sa mga kalamidad na naganap sa bansa.
         Maaring maiwasan ang dalang panganib ng kalamidad kung pag-iisipang maigi ang mga bagay na dapat paghandaan bago dumating ang isang malaking sakuna.Dapat na palagi tayong maging handa upang hindi tayo magkaproblema kapag dumating na ang isang kalamidad.

        Bilang mag-aaral,sisikapin kong maipamahagi pa sa iba ang konti kong kaalamansa paghahanda sa anumang klaseng kalamidad.Iintindihin ko rin ang totoong dahilan kung bakit ginagawa sa paaralan ang Earthquake Drill upang ipamahagi din ito sa iba na dapat maghanda.Mabuting maging palaging handa sa mga mangyayari.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento