Miyerkules, Marso 11, 2015

ARAW NG TAGAYTAY



       Bawat taon ay may isang araw na talaga namang ipinagdiriwang ng Tagaytay.Sa bawat kabataan ay bilang lamang ang mga nakakaintindi ng ibig sabihin kung bakit ipinagdiriwang ang June 21 bilang Araw ng Tagaytay.Hindi pansin ng bawat estudyante kung ano ba ang mayroon sa araw na ito.

       Ano nga ba ang nangyari noong June 21, 1938?Sa aking pag-unawa,ang nangyari noong June 21,1938 ay idiniklara ni Manuel L. Quezon ang araw na ito bilang Araw ng Tagaytay at doon na nagsimulang maging isang tunay na siyudad ang lugar na ito.Nilagdaan din ito ng pangulo na holiday sa mismong lugar lang ng tagaytay upang bigyan ito ng halaga.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento