Ang
nakasaad sa ibaba nito ay mula sa isang police commando na nakaligtas sa
Mamasapano,Maguindanao massacre,kung saan 44 na PNP-SAF commando ang
namatay,matapos tambangan ng MILF (Moro Islamic Liberation Front) at BIFF
(Bangsamoro Islamic Freedom Fighters) nitong Enero 25 2015.
"Nagsimula po ang putukan ng mga
5:30 ng umaga.Mabilis ang pangyayari ... biglaan.Kita ko agad na marami sa amin
ang patay na.Yung mga tumatakbong nakayuko,napapatay dahil may mga
sniper.Nagsimula akong gumapang.Isa sa mga huling nakita ko ay ang isa kong
kasamahan na nakatingin sa litrato ng pamilya niya sa cellphone habang
tinatamaan ng bala.
Umabot sa punto na wala na kaming bala
at ang natitira na lang ay ang Glock ko at rosaryo.Gumagapang ako palayo upang
umiwas sa snipers.Isa pa sa mga kasamahan ko ay nagsabing bilisan mo lumayo at
ako bahala.Tumayo siya at dinivert ang atensyon ng mga sniper.Dalawang beses
siyang tinamaan,tumumba pero tumayo pa din.Nung pangatlong tama,di na siya
tumayo.
Dalawa lang ang nasa isip ko,pag nakita
kong andyan na sila sa harap ko,babarilin ko sarili ko,dahil alam ko ang
ginagawa nila sa mga bihag.Pero 'pag nakatakas ako dito,uunahin kong puntahan
ang mga pamilya ng mga kasama ko,lalo na yung nakatingin sa litrato sa
cellphone.Ikukwento ko lahat ng nangyari."
Ang sinapit ng mga nabanggit na
commando,ang iba'y hindi na makilala ang mukha,ang iba'y naputol ang mga
braso,kamay at paa at ang ilan ay nahati ang katawan,dahil sa tama ng malakas
na kalibre ng baril ay napakasakit,hindi lang sa asawa,mga anak at magulang ng
mga biktima,subalit sa sinumang nagmamahal sa bayan.
Kailangan nila at ng kanilang pamilya ng
hustisya.Kailangang may managot sa marahas at malahayop na kamatayan na sinapit
nila.Hustisya para sa PNP-SAF 44.Ito ang panawagan ng kanilang pamilya.Ito ang
panawagan ng buong kapulisan sa bansa,partikular na sa SAF na pinanggalingan
nila.Ito ang panawagan ng sambayanang pilipino.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento