Huwebes, Marso 12, 2015

Maslow of McClelland

      Maraming mga pangangailangan ang bawat isa sa atin.Si Abraham Harold Maslow ay isang amerikanong psychologist na nagpanukala ng herarkiya ng mga pangangailangan ng tao.Ayon sa kanya,habang patuloy na napupunan ng tao ang kanyang batayang pangangailangan,siya ay naghahanap naman ng mas mataas na pangangailangan ayon sa pagkakasunod-sunod sa isang herarkiya.Inilalarawan naman ni David Clarence McClelland,sa kanyang aklat na “The Achieving  Society  (1961)” ang mga pangangailangan ng tao na natatamo sa matagl na panahon at hinuhubog ng mga karanasan.
       Ang pangunahing pangangailangan ng mga tao ay tubig,pagkain,damit at bahay.Minsan higit pa rito ang inaasam natin kung kaya’t kaakibat nito ay lumalaki ang mga pinagkakagastusan ng mga tao.

       Nahahati sa dalawa ang pangangailangan:Ang needs ay ang pangunahing pangangailangan,mga bagay na kailangan araw-araw.Ang wants ay pangangailangan o kagustuhan,taliwas sabasic needs kagaya ng mga gadgets.Mga gamit na nagbibigaylamang ng kasiyahan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento